Tuesday, September 6, 2016

After the "Trojan Horse", kailangan naman ni Charis bukas ng tula na mayrong 4 na saknong, 12 sukat, at may tugma sa bawat taludtod.
Ito ang kinalabasan after an hour of finalizing the last 2 stanzas:

Asal ng Pinoy
Ni: Susivic P. TaƱada (Sept 1, 20016)

Lahat ng Pilipino’y may karapatan.
Maunlad na bansa’y ating kailangan.
Itigil ang korapsyon, ‘yan ang solusyon.
Dapat tayo’y magka-isa t’wing eleksyon.

Ating kinabukasan sa hinaharap,
Ito ang sagot sa pagiging mahirap.
Hangad ng lahat ay maayos na buhay,
Upang magkaroon ng magandang bahay.

Sundin ang tagubilin at mga aral.
Itaas mo ang iyong puri at dangal.
Maging marangal, masipag, at maagap.
Maging totoo at hindi mapagpanggap.

Lahat ng ito’y biyaya ng Maykapal.
Kasinupan natin ay dapat umiral.
Biyayang tamo’y iyo ring ibahagi,
Upang sa gayo’y pagpalain ka lagi.



From my facebook post: https://www.facebook.com/susivic/posts/10208515361456528